Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo Pascual, saludo sa Beautederm

HINDI maitago ng Beautéderm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan, na pinangaralan ng People Asia magazine bilang isa sa Women of Style and Substance, ang sobra-sobrang kasiyahan dahil partr na ng kanyang kompanya si Piolo Pascual.

Ayon kay Ms Rei, “Nasa bucketlist ko na si Piolo mula noong sinimulan ko ang kompanya noong 2009.

“With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I’ve always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry.”

Si Piolo ang mukha ng Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand na nagde-detoxify at nag-exfoliate habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na para sa mga busy na kalalakihan na laging on the go tulad ni Piolo.

Kuwento naman ni Piolo, “Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, marami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakaririnig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho.”

 

Dagdag ni Ms Rei, “Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan ‘di lamang ang aming users kundi pati na rin ang aming resellers at distributors sa paged-develop ng mga produkto na mataas ang kalidad.

“We have partnered with Piolo dahil marami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng aming pamilya.”

Saludo si Piolo sa Beautederm dahil na rin sa maramding Filipino na natutulungan nito. “Nakatutuwang malaman na maraming tao kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa mga reseller at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of their family.”

Para sa mga exciting na balita at lahat ng mga hottest updates ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …