Friday , November 15 2024

Pabalik ng Manila, etc., pahirapan sa pagkuha ng TA

HINDI naman tayo tutol sa mga ipinaiiral na protocol ngayong panahon ng pandemya at sa halip pabor na pabor dahil ang lahat ay para sa kapakanan ng bawat Pinoy para maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na “veerus.”

 

Maraming health protocols ang estriktong ipinatutupad gaya ng paggamit ng face mask/shield, social distancing, palaging paghuhugas ng kamay ng sabon/alcohol, at kung maaaring stay home lang kung wala naman importanteng pupuntahan.

 

Pero sa kabila pa rin ng lahat, nakapanggigigil ang ilang mga kababayan natin na ang titigas ang ulo, ayaw sumunod – kesyo wala raw silang pambili ng mask o shield pero kapag para sa alak, ipinangungutang pa nila.

 

Para maiwasan ang pagkalat ng virus, isa pang protocol sa mga bibiyahe pauwi ng probinsiya palabas ng Metro Manila o saan man lalawigan ang panggagalingan (vice versa). Kinakailangan kumuha ang mga bibiyahe ng Travel Authority (TA) sa PNP, sa lokal na pulisya na nakasasakop sa lugar  ng bibiyahe.

 

Bago makakuha ng TA, kailangan ng certificate mula sa barangay – patunay na residente ka sa lugar, medical certificate mula sa klinika/center ng munipisyo/city hall – patunay na wala kang sakit o sintomas ng CoVid.

 

Habang opsiyonal ang CoVid test (depende ito kung ano ang kalakaran ng LGUs sa pupuntahang probinsiya).

 

Wala tayong nakikitang masama sa mga kalakaran pero, ewan ko ba kung bakit marami pa rin tayong mga kababayan na hindi nakauunawa sa pinaiiral na protocol. Nakakikipagtalo pero sa bandang huli ay susunod naman.

 

Pero nakatanggap tayo ng mga reklamo mula sa nais nang bumalik sa Metro Manila mula sa probinsiya matapos dalawin ang kanilang may sakit na mahal sa buhay – magulang.

 

Ipinagtataka nila kung bakit ‘pinahihirapan’ sila ng lokal na pulisya na makabalik o sa pagkuha ng TA. Nais kasi mangyari ng pulisya na bago bigyan ng TA ang aplikante (pabalik ng Metro Manila) kailangan muna kontakin ang lokal na pulisya para alamin kung papayagan makapasok sa Metro Manila ang aplikante o ‘di kaya kompirmahin kung residente siya ng lugar – halimbawa kung Quezon City.

 

Batid natin na tama naman ang lokal na pulisya – kasama kasi iyan sa kalakaran pero kung titingnan ay may punto ang reklamo ng mga aplikanteng pabalik sa Metro Manila o pinagmulang probinsiya.

 

Bakit daw kailangan pa ng beripikasyon kung residente sa lugar na nasasakupan ng lokal na pulisya ang aplikante samantala may hawak na silang  patunay – ang dala-dala niyang TA na inisyu ng lokal na pulisya noong papasok sila sa probinsiya. At ang masaklap pa, iyong aplikante pa ang pinakokontak sa pulisya samantalang ang dapat ay sila – local police to local police ang mag-uusap.

 

Anyway, hindi nga ba sapat ang dala-dalang TA (mula sa pinaggalingan) ng aplikante para patunay na residente siya sa lugar. Nandoon ang address at may kalakip pang certificate mula sa barangay kung saan nakalagay din ang kompletong address.

 

Oo, kalakaran ang lahat pero, bakit kailangan pang pahirapan ang mga pabalik e, may hawak na nga silang ebidensiya?

 

Kinokontak natin para sa reaksiyon si PNP Dep. Chief for Administration P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar na siyang hepe rin ng Joint Task Force on CoVid 19 para sa isang reaksiyon pero hindi sinasagot ang tawag natin maging ang text.

 

Anyway sir, pakiklaro na lamang po ang lahat.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *