Thursday , December 26 2024

P16.4-B general’s pork kontra insurhensiya (Palasyo pabor)

HINAMON ng Palasyo ang Makabayan bloc sa Kongreso na humakot ng suporta sa mga kapwa kongresista upang magtagumpay sa pagharang sa P16.4 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na tinaguriang ‘generals’ pork barrel’ para sa susunod na taon.

Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kinalaman sa anti-insurgency campaign ang lahat ng proyektong planong tustusan ng P16.4 bilyong ‘generals pork barrel’ at balidong gastusan ito ng pera ng bayan.

“Ang pagkakaintindi ko po lahat po iyan ay projects related to the anti-insurgency campaign ng ating gobyerno and that’s a valid expenditure ‘no.

“In any case, hindi po para sa Makabayan bloc alone na kuwestiyonin iyan. Sana po makuha nila ang suporta ng mas maraming kasama nila sa Kongreso para po mawala iyang ganiyang entry ‘no,” dagdag niya.

Sa ginanap na budget hearing kamakailan, inihayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na kokombinsihin niya ang mga kapwa mambabatas na tanggalin ang P16.4 bilyong NTF-ELCAC budget.

Tinawag ni Zarate ang nasabing budget bilang pork barrel para sa mga retiradong heneral dahil pinapayagan silang gawin ang anomang naisin para gastusin ang pondo.

“Sila ang magse-certify. Sila magbibigay. Mas matindi pa ito sa pork barrel ng Kongresista. Magdi-dispense sila ng P20 million per barangay. Can you imagine that? Talagang pork ito in aid of whatever,” ani Zarate.

Mas mainam aniya kung ang mga regular na kagawaran ang mamamahala sa pondo o ilipat pandagdag sa pagtugon ng pamahalaan sa CoVid-19.

Giit ni Zarate, ang paglalaan ng P16 bilyon para sa NTF-ELCAC na tatlong beses na mas malaki sa budget para sa CoVid-19 programs ay hayagang pagpapakita ng totoong prayoridad ng administrasyong Duterte sa panahon ng krisis.

Para kay Roque, hindi nagbabago ang budget proposal ng Ehekutibo at ipauubaya ng Palasyo ang pagpapasya sa Kongrespo at hindi lamang sa Makabayan bloc.

“Pero as of now, that is the budget proposal coming from the Executive and we bow to the wisdom of Congress but not just to the Makabayan bloc,” giit ni Roque. (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *