Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

DPWH budget sinopla ni Grace at Ping

NITONG nakaraang linggo, pormal nang sinimulan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagdinig sa panukalang pambansang budget na nagkakahalaga ng P4.506 trillion para sa gastusin ng Filipinas sa 2021.

Sa taong ito, ang pambansang budget ay nakatuon para sa pagpapaunlad sa healthcare system, food security, paglikha ng mas maraming trabaho, at pagsusulong ng digital government at economy para higit pang matulungan ang mga komunidad.

Ang panukalang budget para sa 2021 na may temang “reset, rebound and recovery: Investing for resiliency and sustainability” ay 9.9 porsiyentong mas mataas kaysa ngayong taon.

Maayos naman sana ang proposed national budget, pero nang sumalang na ito sa pagdinig ng Senate committee on finance, medyo hindi nagustuhan ng ilang mga senador kung paano ang ginawang pagkakahati-hati ng budget na ibinigay sa mga departamento.

Mismong si Senator Grace Poe na ang pumalag sa ginawa ng Department of Budget and Management dahil sa napakaliit na inilaang pondo para sa Department of Health sa kabila na patuloy na nahaharap ang bansa sa pandemya.

At ang nakagugulat pa nito, ang flood control project ng Department of Public Works and Highways ay mas mataas pa ang budget kung ikokompara sa kabuuang pondo na gustong ilaan sa Department of Health.

Akalain ninyong P150 bilyon ang budget sa flood control project ng DPWH habang ang kabuuang budget na gustong ilaan sa DOH ay P131.22 bilyon lamang.

Walang direktang maisagot si Budget Secretary Wendell Avisado nang tanungin ni Grace kung bakit napakaliit ng budget ng DOH kung ang tunay na prayoridad ng pamahalaan sa 2021 budget ay kalusugan ng bawat mamamayan.

Sobrang lakas naman ng DPWH sa budget department at kahit sa panahon ng pandemya ay gustong paglaanan ng napakalaking budget ang flood control project ng nasabing ahensiya. Nakagugulat naman ang lakas nitong si DPWH Secretary Mark Villlar kay Avisado.

Pati si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay napansin din ang ginawang “illegal at unconstitutional” na pagsisingit ng kuwestiyonableng alokasyon ng DPWH sa proposed 2021 budget, kaya nga humingi sila ng listahan ng infrastructure projects.

Gustong makita ni Ping ang legalidad ng mga proyekto ng DPWH sa pagsusumite nito ng listahan ng gagawing proyekto na umaabot sa P469 bilyon. Kinukuwestiyon din ni Ping ang P369-billion lump sum funds na inilagay sa DPWH central office na kinuha sa P469 bilyong proposed budget.

Mukhang daraan sa butas ng karayom itong si Villar at malamang na matapyasan ng malaking halaga ang pondo ng DPWH dahil sa kuwestiyonableng alokasyon ng pondo ng departamento.

Kailangang ipaliwanag din mabuti ni Avisado kung bakit mas malaki ang budget ng flood control project kompara sa budget ng DOH.

Magpaliwanag ka nang maayos, sir!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *