Wednesday , December 25 2024

Sanya, excited sa itatayong airport sa Bulacan — Maraming papasok na turista at negosyo

NABABAHALA si Sanya Lopez sa kalagayan ng mga kababayan niya sa Malolos, Bulacan ngayong pandemya dulot ng Covid-19. Naiisip niya ang kalagayan ng mga ito. Pero nabura ang pag-aalala niya nang mabalitaang may itatayong airport ang San Miguel Corporation sa ‘di-kalayuan sa bayan ng Bulakan.

 

“Nakaka-proud kasi taga-Bulacan ako and magkakaroon na kami ng airport dito,” ani Sanya.

 

Dahil sa itatayong airport, makapagbibigay iyon ng pag-asa sa mga nawalan ng hanapbuhay at naapektuhang negosyo sa probinsiya niya.

Nagulat siya nang nalaman sa mga balita na kapag nagawa na ang  airport, kaya nitong tumanggap ng 100 milyong pasahero kada taon dahil sa paunang apat na runway, world class na terminal, at transport system. Maliban ditto, mahigit isang milyong trabaho ang magagawa nito, sisibol ang iba’t ibang negosyo at makatutulong mapaunlad ang turismo.

 

“Malaking bagay ang magagawa ng San Miguel sa aking mga kababayan sa Bulacan. It will not only generate jobs to my kababayan kundi marami rin ang papasok na turista at businesses pa sa aming lugar,” dagdag pa niya.

 

Kaya naman nagpaalala si Sanya na iwasang magkasakit at huwag mawalan ng pag-asa sa krisis na kinakaharap ng bansa at ng probinsiya.

“Ang message ko sa aking mga kababayan sa Bulacan ay maging maingat lagi sa sarili. Follow safety protocols. Wear mask and face shields. Let’s wash our hands regularly. And practice social distancing. Tatlo lang naman ‘yon na ating tatandaan para makaiwas tayo sa Covid. And let’s not lose hope. Pag-aralan nating mag-cope sa ganitong crisis. Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya,” giit pa ng aktres.

 

“Likas naman sa ating mga Bulakenyo ang pagiging matulungin kaya magtulungan tayo and keep the Bayanihan spirit within us. Darating ang panahon at malalagpasan din natin ito sa awa ng Diyos,” sambit pa nito.

 

Aminado si Sanya na siya man hirap sa umpisa ay nakapag-adjust na  sa tinatawag na “new normal. “Hindi pa rin ako gaanong nakakalabas dahil puro work from home lang ang ginagawa ko na ibinibigay sa akin ng GMA and endorsements. If I may count it mga three times lang akong nakalabas, ‘yung nag-taping ako for ‘Wish Ko Lang’ and isa pang show.”

 

Malungkot si Sanya dahil limitado ang galaw tulad ng nakararami dahil sa pandemya. “Medyo malungkot dahil isa pa naman sa mga dream ko ang makapag-travel sa ibat ibang lugar,” kuwento pa ng dalaga.

 

Hindi nga niya maiwasang maalala ang mga napuntahang lugar, lalong na ang mga paborito niya na Japan, Boracay, at Canada.

 

“Nag-enjoy ako sa Japan dahil masarap ang food nila roon. Favorite ko rin kasi ang ramen lalo na sa kanila ns authentic talaga. Isa pa ay naging bonding din namin ito ng brother ko (Jak Roberto) at ni Barbie (Forteza) dahil kasama ko sila noon.

 

“Sa Boracay naman, na-enjoy ko siya dahil ito ang first time na nakapag-bakasyon ako after three years na tuloy-tuloy ang trabaho. After ‘Encantadia’ ay nabigyan agad ako ng project ng GMA kaya medyo hindi ako nakapag-bakasyon. Nagandahan naman ako sa Canada kahit short visit lang ginawa ko. Nakita ko kung gaano sila ka-disciplined sa kanilang lugar,” aniya pa.

 

Positibo si Sanya  na ‘pag nalampasan na ng buong mundo ang Covid-19 pandemic ay babalik din sa normal at mas mapabubuti pa ang pamumuhay ng mga tao, lalo na sa bayan ng Bulacan.

 

“Alam kong lilipas din itong crisis natin at babalik din sa normal ang lahat. Mabibisita ko pa rin ‘yung mga lugar na hindi ko pa napupuntahan,” positibong sagot ni Sanya.

 

At dahil malapit lang sa bahay niya sa Malolos ang itatayong airport, baka rito rin sumakay ng eroplano si Sanya sa kanyang mga susunod na byahe.  (MVN)

About Hataw Showbiz

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *