SA kabila ng sinasabing protocols, na mabuti naman naipatutupad, dumagsa pa rin ang mga taong nakikiramay at gustong mabigay pugay sa yumaong lider ng industriya ng pelikula na si Manay Ichu Maceda. Hindi lang kasi iyan dahil sa mga taga-pelikula kundi iyong mga natulungan niya sa iba niyang mga proyektong ginawa para sa mga mamamayan.
May panahong involved si Manay Ichu sa maraming charitable projects kahit na noong araw pa.
Mabuti at ang burol ay ginawa sa Sampaguita Chapels, dahil limitado man ang pinapapasok sa loob ng chapel, napakalaki naman ng kanilang grounds na maaaring maghintay ang mga kasunod, o magkausap naman ang mga magkakaibigan.
Ipanalangin na lang natin si Manay Ichu na sana matagpuan niya ang kapayapaan.
HATAWAN
ni Ed de Leon