Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, sasabak sa matinding training sa pagpu-pulis 

THANKFUL si Gerald Santos dahil makakasama siya sa kontrobersiyal na SAF 44 movie, ang 26 Hours: Escape From Mamasapano hatid ng Borracho Films na ididirehe ni Law Fajardo.

Gagampanan ni Gerald ang role ng lone survivor ng 55th Special Action Company (SAC) na si Police Officer 3 Christopher Lalan.

Ayon kay Gerald, “Nagpapasalamat ako kay Atty. Ferdinand Topacio dahil isinama niya ako sa napaka-makabuluhang pelikula about Mamasapano Massacre, na gagampapan ko ang role ng lone survivor na si Police Officer 3 Christopher Lalan. 

“Noong napanood ko ‘yung video sa nangyari, naawa ako at nalungkot sa mga nangyari, kaya nga napakasarap sa pakiramdam na mapasama ka sa ganitong klaseng pelikula.”

Hindi na bago kay Gerald ang role ng isang pulis, dahil halos pareho lang ito sa naging role niya sa Miss Saigon na isang sundalo bilang si Thuy.

“Medyo familiar na rin ako sa role na gagampanan ko dahil parang ‘yung role ko lang sa ‘Miss Saigon’ na isa ring sundalo.

 

“Basta I will do my best to give justice to my role.”

 

Kaya naman kuntodo workout na ngayon si Gerald para bumalik ang ganda ng katawan at maging ready kapag nagsimula na ang shooting ng kanilang pelikula.

Handa ring sumabak si Gerald sa rigid training para mas maging makatotohanan ang pagiging pulis mula sa paghawak ng baril at pagkilos kasama ang iba pang cast ng kanilang movie.

Makakasama ni Gerald sa 26 Hours: Escape From Mamasapano sina Myrtle Sarroza, Ritz Azul, Edu Manzano, Rez Cortez, JC De Vera, Aljur Abrenica, Claudine Barretto atbp..

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …