Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Sylvia na si Gela, namana ang galing niya sa pagluluto

PROUD mom si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Gela Atayde na bukod sa husay sa pagsasayaw ay pinasok na rin ang food business, ang  Nathan’s Cuisine na ang specialty ay ang napakasarap na Tacos, Nachos, Callos, at Quezo De Bola spread na siya mismo ang nagluluto.

Namana ni Gela ang husay sa pagluluto sa kanyang Mommy Sylvia na siya ring kinahihiligang gawin ng aktres.

At dahil 17 pa lang ito at bawal pa lumabas sa kanya naglalambing ang anak para magpabili ng magiging rekado sa kanyang putahe.

Pabiro ngang post ni Sylvia sa kanyang FB with matching picture kasama ang kanyang anak na si Gela, “Rati ako ang nang-uutos sa’yo anak ah, ngayon ako na ang inuutusan mo., yes po! Ang aga ko pong gumising para bilhin lahat ng ingredients na kailangan niya habang naggo-grocery ako, niluluto naman n’ya ang mga order’s sa kanya for today.”

Dagdag pa nito, “Nakakatuwa na nagne-negosyo ang anak ko kailangan daw n’ya mag save k’ya kailangan suportahan ang bagets at ok lang @ataydegela kahit ilang beses pa akong gigising ng umaga para ipamili lahat ng kailangan mo, gagawin ko basta mahigpit na yakap, halik at halakhak mo ang kapalit , masaya na ako.

“Kami ng daddy mo susuporta sa Nathan’s Cuisine mo. Love u Gelatin.#proudmom #simplejoy #thankuLORD Happy afternoon.”

At para sa mga gustong tikman ang masarap na Tacos, Nachos, Callos, at Quezo De Bola Spread ng Natha’s Cusine, umorder lang sa https://gg.gg/nathanscuisine .

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …