DAHIL hindi pa makabalik ng Japan at ipinagbabawal pa ang mga event katulad ng mallshows, provincial shows, at TV guestings, naisip ng ilang miyembro ng UPGRADE na pasukin na rin ang pagnenegosyo at gamitin ang kanilang naipon.
Katulad na lang ni Mark Baracael na may sariling siomai stall, ang Master Sisig, Mister Siomai and Siopao, at distributor din ng Palm Oil sa Brgy. Sta. Anastacia, Santo Tomas City, Batangas.
Ang leader ng grupo ng UPGRADE na si Casey Martinez ay may sarili namang clothing line, ang Switch Limited at Pizza business na Matster Pizza (fb&ig: @MasterPizzaPh), sa Tugatog, Meycauayan.
Habang ang lead vocalist naman nilang si Armond Bernas ay nagtayo ng tapsilogan, bulalo, at pares, ang Kain tayo PARᵉS sa MRH Site 4 Tala, Caloocan City.
Ang taga-Palawan na member nilang si Ivan Lat ay nagtayo ng Milk Tea store, ang Tempteang Milktea sa Brgy 1 Roxas Palawan (Facebook/Instagram ko @TempteangMilktea).
Umaasa at nananalangin ang UPGRADE na maging maayos na ang lahat para makapag-show na sila muli at makabalik na ng Japan.
MATABIL
ni John Fontanilla