INIHAHANDOG ng ABS-CBN ang mga programang may hatid dagdag kaalaman at libangan para sa mga bata sa pinakabago nitong morning block sa Kapamilya Channel at mapapanood din anumang oras sa online portal, ang Just Love Kids.
Bukod dito, hatid din ng network ang patok na Star Magic workshops nito online para sa mga batang nagnanais linangin ang kanilang mga talento habang nasa kanilang mga tahanan.
Simula Biyernes (Setyembre 11), mapapanood na ang mga bago at minahal na child-friendly Kapamilya program ng libre sa Just Love Kids online portal.
Magsisimula naman ang Just Love Kids block sa Kapamilya Channel na mapapanood sa cable at satellite TV simula Setyembre 12 tampok ang Robo Car Poli, Adventures of Tom Sawyer, Pop Babies, at Team YeY tuwing Sabado simula 6:00 a.m. at ang Wikaharian, MathDali, Bayani, at Hiraya Manawari tuwing Linggo simula 7:00 a.m..
“Isang one-stop shop platform ang ‘Just Love Kids’ na naglalayong maghatid sa mga magulang ng multimedia content na may dalang impormasyon, libangan, at laro para sa mga bata,” ani Red Lasam-Escueta, Kids Digital Content head ng ABS-CBN.
Makikita rito ang playlists na may iba’t ibang tema na angkop sa pangangailangan ng mga bata ayon sa kanilang edad: kategoryang preschool para sa mga may edad 2 hanggang 5 taon; primary para sa may edad na 6 hanggang 8 taon; at intermediate para sa may edad 9 hanggang 12.
“Magbibigay din ang ‘Just Love Kids’ ng printable worksheets at iba pang gawain para maengganyo ang mga bata sa paggawa kasama ang kanilang mga magulang,” dagdag ni Red.
Kabilang din sa mga tampok na palabas sa portal ang mga educational show mula sa Knowledge Channel na naka-angkla sa curriculum ng DepEd at Kapamilya programs na nagtuturo ng kabutihang asal at pagpapahalaga sa pamilya, komunidad, at sa pananampalataya tulad ng Wansapanataym, Starla, at 100 Days to Heaven.
Tiyak na matutuwa rin silang mapanood ang kanilang paboritong palabas mula sa YEY channel tulad ng Team YEY at Pororo, at iWantTFC originals tulad ng Jet and the Pet Rangers.
Sa pamamagitan ng Just Love Kids platform, pwede na ring magrehistro para sa virtual classes sa pag-awit, pagsayaw, at pag-arte hatid ng Star Magic Workshops.
Ang Just Love Kids ang pinakabagong adisyon sa digital ventures ng ABS-CBN matapos ang introduksiyon ng Kapamilya Online Live na pwedeng mapanood ang mga luma at bagong programa ng ABS-CBN, ang online kids channel na TuTuBee, at mga digital event ng KTX.ph para maabot ang mas marami pang Filipinong manonood pagkatapos na ma-deny ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo 10.
Bisitahin ang Just Love Kids online edutainment hub sa justlovekids.abs-cbn.com simula sa Biyernes (Setyembre 11), at tumutok sa Just Love Kids morning block tuwing weekend sa Kapamilya Channel simula sa Sabado (Setyembre 12). Para sa iba pang detalye sa Just Love Kids, i-like ang @JustLoveKidsPH sa Facebook.
Check Also
Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan
MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …
Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA
RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …
Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen
I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …
JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko
I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …
Dating sexy male star napeke ni aktres
ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …