Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, kinaiinggitan (kabi-kabila ang paninira)

KUNG ano-anong balita na ang lumalabas tungkol kay Sunshine Cruz sa internet. Kung sa bagay iyan namang internet alam nating pugad iyan ng fake news. Kaya nga hindi umasenso iyang nasa internet eh, kasi puro fake news, puro pirated films. Isipin ba naman ninyong pati iyong pelikula tungkol sa Fatima na hindi pa nailalabas sa sinehan ay napirata na sa Facebook. Kung hindi ba naman mga walanghiya ang gumagawa niyan.

Iyon namang mga basher na wala nang ginawa kundi siraan si Sunshine, palagay namin walang ibang motibo kundi matinding inggit. Isipin ninyo, sa edad na 40 napakaganda pa rin ni Sunshine. Hindi siya nagmukhang pindangga. Hindi siya naging kasing lapad ng aparador. At hanggang ngayon in demand siya sa mga project hindi gaya ng iba na ang mga project ay nasa ilusyon lang naman nila kaya walang masimulan kahit na isa. Kaya inggit lang talaga ang motibo ng ginagawa nilang paninira laban kay Sunshine Cruz.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …