KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na nagpresenta para sa Filipinas ang malaking pharmaceutical company na Pfizer ng kanilang proposal kaugnay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (CoVid-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tinalakay ang proposal ng kompanya sa isang pulong kasama sina Health Secretary Francisco Duque III at Science and Technology Secretary Fortunato de la Peña noong Biyernes, 4 Setyembre.
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Vergeire.
Paliwanag ng opisyal, binabalangkas ng dalawang panig ang isang confidentiality disclosure agreement para sa transparency.
“Once this is finalized, we will be discussing the arrangement with them,” wika ni Vergeire.
Kaugnay rito, nakipag-usap din ang mga tauhan mula sa DOH sa Russian Embassy sa Maynila tungkol sa nalalapit na pulong sa pagitan ng gobyerno at ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology, ang developer ng candidate vaccine na Sputnik V.
(CYNTHIA MARTIN)