FLATTERED ang mahusay na actor na si Arkin Del Rosario dahil dalawang category sa survey ng isang sikat na Youtuber ang pasok siya.
Ito ay sa category na Most Handsome Pinoy BL Actors (Leading Man Category) na kasama rin sina Alex Diaz, Inaki Torres, Tony Labrusca, at Kokoy De Santos; at ang Hottest Pinoy BL Actors na ka-join din sina Alex, Tony, at JC Alcantara na kasabay niyang inilunsad sa Star Magic Circle Batch 2019 ng ABS CBN.
Ayon kay Arkin, ”Nakatataba po ng puso na mapasama ka sa dalawang category sa survey ng isang sikat na Youtuber na mostly ang nakapasok ay produkto ng Star Magic Circle like sina Alex, Tony, at JC.
“Salamat talaga kasi napansin nila ‘yung ako, sana hindi lang looks ang mapansin sa amin dito sa BL series namin na ‘Boyband Love’ kundi pati ‘yung acting namin. Maganda ang istorya at pagkakagawa nito at may aral na makukuha rito.”
Excited na nga si Arkin sa pagpapalabas ng Boyband Love na kanyang pinagbibidahan kasama si Gus Villa.
Ginagampanan ni Arkin sa BL series ang character ni Aiden na miyembro ng sikat na boyband na kinabibilangan din ni Gus bilang si Danny at ang mga modelong sina Job Piamonte bilang si Jamie at Louie Gabarda bilang Rico.
Sa bandang ito mabubuo ang friendship nila ni Gus na nauwi sa pagmamahalan na sa umpisa ay hindi niya kasundo.
“Sobrang excited na ako na maipalabas ‘yung BL series namin kasi pinaghirapan talaga namin ito, hindi lang ito basta-basta kikiligin ka, dahil dagdag pa rito ang mga aral sa buhay na matututuhan.”
Bukod sa goodlooks ni Arkin, dapat ding abangan ang husay nitong umarte na napatunayan na sa mga nauna niyang proyekto at sa mga natutuhan niya sa teatro.
Ang Boyband Love ay mula sa panulat ni Lawrence Nicodemus at idinirehe ni Greg Colasito, hatid ng Starcast Entertainment Philippines at mapanood sa Youtube channel ng Starcast Entertainment ngayong September.
MATABIL
ni John Fontanilla