Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yayo Aguila, ‘di nawawalan ng trabaho kahit may pandemya

ISA sa maituturing na pinaka-busy at ‘di nawawalan ng proyekto ang mabait at mahusay na actress na si Yayo Aguila.

At habang salat sa proyekto ang ibang mga artista dahil sa Covid-19 pandemic ay sunod-sunod at magagandang proyekto naman ang napupunta kay Yayo, dahil na rin sa versatility nito bilang aktres na kahit anong ibigay mong role ay nagagawa nito ng buong husay.

Sino nga ba ang makalilimot sa napaka-controversial nitong French kissing scene sa young actor na si Royce Cabrera sa pelikulang F#*@BOIS na entry sa Cinemalaya 2019.

Dagdag pa riyan ang mahusay nitong pagganap sa pelikulang Metamorphosis na entry sa Cinema One 2019  na nagbigay sa kanya ng nominasyon sa 43rd Gawad Urian.

At ngayon naman ay aabangan si Yayo bilang si Monica sa BL series  na  My ExtraOrdinary na mapapanood sa TV5 hatid ng Asterisk Digital Entertainment sa panulat ni Vincent De Jesus, idinirehe ni Jolo Atienza at pagbibidahan  nina Darwin Yu at Enzo Santiago at magpi-premiere sa GagaOOlala ngayong September.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …