Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay at Jerome, inaabangan na sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Vietnam!

HINDI pa man gumigiling ang camera ng pagbibidahang BL series nina Teejay Marquez at Jerome Ponce, ang Ben x Jim, inaabangan na ito ng fans nila sa Indonesia, Malaysia, Thailand, at Vietnam.

Excited na nga ang mga supporter ng dalawang actor na mapanood ang kauna-unahang BL series ng kanilang idolo na hatid ng Regal Entertainment na isinulat at idinirehe ni Easy Ferrer.

Ani Teejay nang nakarating ang balita, “Nakakatuwa lang kasi kahit saan akong bansa may proyekto, nandyan sila para sumuporta. Marami na nga ‘yung nagme-message na sana makapag-promote ako ng ‘Ben x Jim’ sa Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Thailand.

“Pero alam ko naman na 100% percent ang suporta nila kahit hindi ako makapag-promote sa kanilang bansa dahil na rin sa mahirap magbiyahe ngayon dahil sa Covid-19.

“Sinasabi ko na lang na panoorin nila ‘yung BL series namin ni Jerome ‘pag ipinalabas na.

“Mapapanood nila ang ‘Ben x Jim’ sa FB page ng Regal Entertainment at sa Youtube Channel ngayong September 2020.”

At kung naudlot man ang mga proyektong gagawin niya ngayong taon  sa Indonesia,Vietnam, Thailand, at Malaysia , gagawin pa rin naman niya ang mga iyon ‘pag okey nang magbiyahe at normal na ang lahat.

Dagdag pa nito, by next year may mga proyekto pa siyang gagawin sa Singapore at Japan na dapat ding abangan ng kanyang mga tagahanga.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …