NANGANGAMOY amag, meaning sigurado nang flop ang pelikula ng isang trying hard leading man at isang masyadong ambisyosang leading lady. Ewan nga ba kung bakit sila ang ginawang bida sa pelikula, eh sa panahong ito na ang bukas lang na sinehan ay iyong nasa MGCQ, at sa probinsiya lang iyan. Dito sa Maynila wala pang sine, tapos ang pelikula mo pa “whoever” ang bida.
“Eh kahit na i-release na lang nila sa internet iyan walang magpa-pirate riyan. Malulugi lang ang magpa-pirate niyan wala namang interesado,” sabi ng isa namang kritiko.
Oo nga, mukhang walang may interest sa kanilang dalawa.
Hindi pa man natatapos, amoy amag na nga ang kanilang pelikula. Baka ni hindi dapuan ng langaw iyan. Mapapahiya ang langaw eh. Langaw na nga siya wala pang taste.
(Ed de Leon)