HINDI nauubusan ng mga bagong idea kung paano makatutulong sa sambayanang Filipino sina Raymond “RS” Francisco at Sam Verzosa via Frontrow Cares.
Halos buong Pilipinas na nga ang natulungan nina RS at Sam mula sa pagbibigay ayuda, pagpapatayo ng simbahan, pagbibigay ng kaunting pangkabuhayan sa ating mga OFW para makauwi na ng Pilipinas at magsimula ng maliit na negosyo, at pagtulong sa mga ospital. Nariyan din ang kanilang programang Pantawid Gutom, pagtulong sa mga Frontliners atbp..
At ngayon naman ay tututukan nina RS at Sam ang edukasyon ng mga Filipino sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang Frontrow E-skwela na namahagi sila ng free computers, acrylic divider para mapanatili ang social distancing, free internet access, printing and computer maintenance para sa lahat ng estudyante.
Unang inilunsad ang Frontrow E-skwela sa Manila sa pakikipagtulungan nina Mayor Isko Moreno at Congressman Ronnie Ong at ng Frontrow. Isusunod naman nila ang iba pang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon nga kay RS, “To all the student na makikinabang dito sa E-skwela, my heartful gratitude goes out to you guys , sana you give advantage sa gift na will be given you, that education will be your guiding light we at frontrow wish you all the best.”
Dagdag naman ni Sam, “Andito po ang Frontrow para magbigay ng tulong, and sabi ko nga before the pandemic, ngayong pandemic, tuloy-tuloy po ang pagtulong hanga’t narito ang Frontrow, hindi tayo titigil hangang sa mas marami tayong matulungan na mga kababayan, and ngayon po mga estudyante natin sa Pilipinas.”
Hangga’t kaya pa tumulong nina RS at Sam sa pamamagitan ng Frontrow Cares, tuloy-tuloy lang ang magiging pagtulong nila sa lahat ng Filipino sa buong Pilipinas, may pandemya man o wala.
MATABIL
ni John Fontanilla