KAPOS sila sa pera at hindi nga malaman noong una kung paano nila maipapa-cremate si Direk Cloyd Robinson na pumanaw noong isang gabi dahil sa atake sa puso. Pero kahit na si direk Cloyd ay residente ng Silang, Cavite, mabilis naman ang aksiyon ng Mayor ng Bacoor na si Lani Mercado, para sagutin na ang gastos ng cremation.
Matagal din namang artista at director si Cloyd, pero sa haba ng panahon na may sakit siya, naubos na rin siguro kung ano man ang naipon niya. Mabuti na lang at may mga mabubuting loob na tumulong din sa kanya through the years. Mabait na tao rin naman kasi si Cloyd eh.
HATAWAN
ni Ed de Leon