Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, itinampok sa Tinig ng mga Nawalan; ABS-CBN, tuloy na sa Zoe TV

IYON pala ang sinasabing “collab” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, iyong kantang Tinig ng mga Nawalan, na inilabas ng ABS-CBN noong Lunes, kasabay ng pagle-lay off nila sa karamihan sa kanilang mga empleado at pagsasara ng operations ng kanilang mga provincial station. Nagsimula iyon sa isang sentimyento ng mga nawalan ng trabaho.

Medyo matapang ang statement ng kanta. Sinasabi kasi nila na hindi na mapipigil ang kanilang gustong sabihin. Matindi ang lyrics na, “iparinig ang tinig ng mga nawalan. Iparinig ang tinig ng sikmurang kumakalam.” Iyan ay diretsahang panunumbat na sa mga pumigil sa broadcast franchise ng ABS-CBN. Ang KathNiel ay sinamahan sa kantang iyon ng ilang empleado ng napasarang network.

Pero hindi naman ibig sabihin hanggang ganoon na lang sila. Mukha ngang nagka-ayos na ang ABS-CBN at magba-blocktime sila sa ZOE TV, ibig sabihin lalabas na naman sila sa free tv, iyon nga lang nasa Channel 11 sila. Noong una pala inalok nila ang Zoe na bibilhin nila ang network, pero hindi pumayag ang JIL. Kung pumayag ang JIL, baka maging problema rin gaya ng nangyari sa AMCARA. Kasi iyang franchise, non-transferable naman iyan. Hindi rin nila puwedeng gamitin ang transmitter nila. Dahil blocktimer lang, ang gagamitin nila ay facilities ng Zoe, at ang control ay nasa Zoe TV. Hindi kagaya noong sa AMCARA, na ang total control ay nasa ABS-CBN din, at sa kanilang transmitter nanggagaling ang signal. Iyong transmitter ng ZOE, hindi kasing lakas ng power ng ABS-CBN. Medyo mas mahina pero at least on the air sila.

Maaari lang magkaroon ng kaunting limitasyon, dahil iyang Zoe ay isang Christian station. Hindi lang sa content, maski sa mga commercial may mga bawal din.


HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …