NAGING kami kahapon ng madaling araw, at ang bumulaga sa amin nang magbukas kami ng computer ay ang balitang sumakabilang buhay na si Direk Cloyd Robinson. Inatake raw sa puso si direk noong Lunes ng gabi, hindi niya natagalan iyon. Nauna nang nagkaroon ng stroke si Cloyd ilang taon na ang nakararaan, kaya nga hindi na siya masyadong aktibo kasi medyo nabulol siya sa pagsasalita. Pero sa kabila ng kanyang kalagayan, masayahing tao pa rin si Cloyd.
Noong panahong matindi ang popularidad niya noong 70s, kung sabihin si Cloyd ang pinakasikat na residente ng Laperal Apartments diyan sa Recto Avenue. Ang totoo, siya ang naka-discover kina Al Tantay, Patrick dela Rosa, at marami pang iba. Ngayon, nasa isang tahimik na kalagayan na si Cloyd. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
HATAWAN
ni Ed de Leon