SUPORTADO ang batas na naglalayon na tulungan ang ating mga senior citizen ni Quezon City 5th District Congressman Alfred Vargas.
Isa sa binibigyang prioridad at pagpapahalaga at tunay nga namang nasa puso ni Cong. Alfred ang mga senior citizen.
Ilan sa naging mensahe nito sa kanyang video na naka-post sa kanyang FB Page, “Mabigat sa dibdib ko na makakita ng senior na nahihirapan sa buhay, sa edad nila sana may konting ginahawa, paano? Suportado ko ang batas na naglalayong tulungan ang ating mga senior citezen,
“Labas man sa sakop ng tungkulin natin,gumawa tayo ng paraan para direktang makatulong sa pag kain, gamot at medical assistance, maintenance medicines at marami pang iba.”
“Pero hindi yun sapat, sana all ang tumulong kahit konti,simulan natin sa mga senior na nangangailangan sa ating lugar.”
Dagdag pa nito, “Pakilusin natin ang ating pamilya, barkada o tropa makialam tayo sa kalagayan ng mga senior sa ating paligid ,dapat natin silang alagaan.”
“Mamulat at masanay dapat tayo,lalo na ang mga kabataan sa ganitong gawi, para sa ating mga minamahal na lolo at lola.”
At nag-iwan din ito ng mensahe para sa mga senior citizen. “Maraming-maraming salamat po sa inyong pagod hirap at pawis at sakripisyo na siyang ginawa nyo sa loob ng napakaraming taon na ginawa niyo sa inyong buhay, alang-alang sa kinabukasan naming mga anak at apo ninyo.
“Hindi po namin ito nalilimutan at hindi po namin ito makakalimutan sa dami at laki ng inyong sakripisyo sa amin , hindi po ba panahon naman ngayon na kami naman ang mag alaga sa inyo, na kami naman ang magpakita ng utanf na loob at pagmamahal sa inyo, panahon na para kami naman ang mag bigay ng magandang buhay.”
May mensahe rin siya sa mga anak at apo, “Sa lahat ng mga anak, sa lahat ng mga apo, panahon na para tayo naman ang mag alaga sa kila Lolo at Lola mahal na mahal po namin kayo, isa pong mapag palang araw sa ating lahat.”
MATABIL
ni John Fontanilla