Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay at Jerome, sasabak na rin sa BL series

PAGBIBIDAHAN nina Teejay Marquez at Jerome Ponce ang kauna-unahang webseries (BL series) na Ben x Jim ng Regal Entertainment.

Hindi na nga maawat pa ang kasikatan ng BL series sa bansa kaya naman kahit ang malalaking kompanya katulad ng Regal Entertainment atbp. ay gumagawa na rin.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa ng BL series si Teejay kaya naman kakaiba iba ito sa mga nauna na niyang nagawa tulad ng Hellcome HomeBasement, at G! LU!

“Bale first time na gagawa ako ng BL series kaya ibang-iba ito sa mga dati ko ng nagawang mga proyekto,

“Noong inalok sa akin ‘yung project at nabasa ko ‘yung script, maganda siya kasi may aral kang makukuha sa story ng ‘Ben x Jim,’ bukod sa na-challenge ako dahil first time ko nga na gagawa ng BL series, bukod pa sa hit na hit ang ganitong palabas sa Pilipinas ngayon.

“Dagdag pa riyan na magaling na aktor ang makakasama ko, si Jerome.”

Si Ben si Teejay sa Ben x Jim at si Jerome si Jim na matalik na magkaibigan na kalaunan ay made-develop at mai-in love sa isa’t isa.

Ang Ben x Jim ay mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer, hatid ng Regal Entertainment at mapapanood sa Regal Entertainment, Inc. Facebook page at YouTube channel sa September 2020.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …