Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, nawiwili sa KDrama

ANG panonood ng KDrama Series ang isa sa pinagkakaabalahan ni  Sylvia Sanchez lalo’t lagi itong nasa bahay ngayon dahil na rin sa hindi pa nagre-resume ang taping ng kanyang serye at shooting ng kanyang pelikula.

Bukod nga sa paborito nitong gawin ang pagluluto na bonding na rin nila ng kanyang mga anak, nawiwili na rin ito sa panonood ng KDrama Series.

At isa nga sa Korean drama na talaga namang tinututukan nito, ay ang It’s Okay To Not Be Okay na pinagbidahan nina Kim Soo-hyun, Seo Ye-ji, at Oh Jung-se na ang kanyang magandang daughter na si Ria Atayde, isa sa host ng TV5 newest celebrity talk show, Chika BESH ( Basta Everyday Happy) ang nagrekomendang panoorin.

Ayon nga kay Sylvia, gustong-gusto niya ang nasabing KDrama  dahil maganda ang story na kapupulutan ng aral at mahusay ang pagkakagawa.

Post nga nito sa kanyang IG account, “Acting, directing and tackling mental health issues. Don’t miss out on this show, guys! Watch it if you haven’t yet.” 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …