Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, ‘di nagpakabog kina Pokwang at Pauleen

PROMISING bilang first timer sa pagho-host si Ria Atayde base na rin sa napanood naming bagong morning talkshow nito sa TV5, ang Chika BESH (Basta Everyday Super Happy) kasama sina Pokwang at Pauleen at napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10: a.m..

Hindi nga nagpatalbog si Ria sa husay ng pagho-host nina Pauleen Luna at Pokwang na pareho ng bihasa kaya naman maraming manonood ang pumuri sa magandang anak ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez. Mahusay din kasi ito kahit baguhan sa larangan ng hosting sa telebisyon.

Bumilib din ang mga manonood sa husay magsalita at magbigay-payo ni Ria. ”Sa pagsasalita pa lang at pagbibigay ng opinyon, alam mong matalino si Ria at mabuting anak. Sure ako na hindi nagkamali ang TV5 sa pagkuha sa kanya.”

Aminado naman si Ria na baguhan siya sa pagho-host at alam niyang marami siyang matututuhan sa kanyang mga co-host na sina Pokwang at Pauleen.

“I look forward to learning from both Mamang and Ate Pauleen considering how they’re both family women already, learning from them would be good for me and my future.

“Apart from that, I look forward to all the bonding moments and chika we’re about to have together.

“I look forward to doing more great things with the APT and TV5 families, our show on its own is going to be exciting so I guess just everything about the show.” 

Mukhang hindi na lang malilinya sa pag-arte si Ria, dahil sa husay na ipinakita nito sa Chika BESH (Baste Everyday Super Happy), tiyak magkakasunod-sunod na ang hosting job nito.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …