Thursday , January 9 2025
Quezon City QC Joy Belmonte

QC, naglabas ng guidelines sa barangay-based quarantine facilities

PARA makontrol at mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa mga komunidad, nagpalabas ng mga patnubay ang Quezon City government para sa mga barangay hinggil sa tamang pagtatayo at pag-operate ng kanilang sariling quarantine facilities.

Sa direktiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, binigyan diin niya ang kahalagahan ng barangay-based isolation facilities sa paglaban sa nakamamatay na virus.

“These facilities enable immediate isolation of asymptomatic or mild cases, or suspect and probable cases,” anang alkalde.

Makapagbibigay rin aniya ito ng ligtas na kapaligiran para sa komunidad at makatutulong upang maiwasan pa ang pagkalat ng virus sa mga kalapit na lugar.

“Also, the barangay quarantine facilities will help free up hospital beds for moderate, critical or severe cases,” dagdag ni Belmonte.

Samantala, sinabi ni Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), ang mga barangay na interesadong magtayo ng sariling isolation facilities ay maaaring makipag-ugnayan sa City Health Department (CHD) sa mga numero ng telepono 8703-2723 at/o 8703-8794 para sa proper guidance.

“It would be best if they coordinate with us so we can teach them how to properly establish and effectively run an isolation facility,” ani Dr. Cruz.

Alinsunod sa guidelines, ang mga pasilidad ay dapat na may mga bintana at pinto, may sapat na ilaw at well-ventilated.

Dapat rin paglaanan ng barangay ng electric fan, mga kinakailangang furniture at higaan, uninterrupted power supply, malinis na running water at may access sa laundry service.

Dapat rin ang pasilidad ay may access sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT), at iba pang government at health authorities na responsable sa pagmo-monitor sa mga pasyente na naka-admit sa pasilidad.

Dapat rin malapit sa mga pagamutan, o hindi tatagal ng dalawang oras ang biyahe patungo sa ospital.

Samantala, ang mga maaari namang i-admit sa barangay-based facilities ay yaong mga confirmed CoVid-19 patients, na asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, o ‘di kaya ay may mild symptoms lamang.

Maaari rin ma-admit ang mga confirmed cases na dati nang na-admit sa isang pagamutan o HOPE facility ngunit ngayon ay gumagaling na at tinatapos na lamang ang kanilang kinakailangang minimum 14-day quarantine.

Maaari rin i-admit ng mga barangay ang mga confirmed patients na nadiskubre sa kanilang mga tahanan at walang kakayahang magkaroon ng isolation, ngunit gumagaling na at maaaring makakompleto ng minimum 14-day quarantine period sa isang barangay facility.

Samantala, ang mga suspected o probable cases at close contacts ng mga confirmed CoVid-19 cases na nag­hihintay ng kanilang swab test results o ng schedule ng kanilang swab test, mga taong nagpapakita ng sintomas ng CoVid-19 at confirmed o suspected cases na naghihintay mailipat sa isang HOPE facility ay maaari rin tanggapin sa barangay isolation facilities.

Hindi dapat tumanggap ang mga barangay isolation facilities ng mga pasyente na may moderate o severe symptoms dahil kailangan silang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan upang higit na matutukan ang kanilang kalagayan.

Ang mga barangay naman na may excess capacity sa kanilang quarantine facilities ay hinihikayat na tumanggap ng mga pasyente mula sa kalapit na barangay.

Ilang barangay na sa QC ang nagtayo ng sarili nilang isolation centers bago pa man naglabas ng guidelines ang city government para dito.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *