Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CEO ng CN Halimuyak Pilipinas, tuloy ang pagtulong

TULOY-TULOY pa rin ang pagtulong ng generous na CEO/President ng CN Halimuyak Pilipinas na Ms. Nilda Tuason sa ating mga frontliner at mga kababayang apektado ng Covid-19 pandemic.

Bukod sa pamamahagi ng mga produkto ng CN Halimuyak Pilipinas katulad ng alcohol, disinfectant, sanitizer, foot bath disinfectant solution atbp., malaking tulong din ang ibinebentang CN Halimuyak Pilipinas  products sa murang halaga dahil ibinabahagi nito ang ilang porsiyento ng benta para mas marami siyang matulungan.

Kuwento ni Tuason, ”Masarap sa pakiramdam ‘yung nakatutulong ka sa mga kapwa mo Filipino sa pamamahagi ng CN Halimuyak Products katulad ng alcohol, sanitizer, disinfectant atbp.lalong-lalo na sa ating magigiting  na frontliners na itinataya ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng bawat Filipino gayundin sa mga kababayan nating naaapektuhan ng pandemya.

“Kaya nga sana mas marami pa ang bumili ng mga CN Halimuyak Pilipinas Products na gawang Pinoy para mas marami pa tayong matulungan.

“At sana ay tangkilikin natin ang mga produktong Pinoy hindi lang ang CN Halimuyak Pilipinas para mas maraming Filipino ang mabibigyan ng trabaho.”

Bukod sa ating mga frontliner at kababayang apektado ng Covid-19, ‘di rin nakalimutang padalhan ni Ms. Nilda ng kanyang mga produkto ang ilang malalapit nitong entertainment press.

At kahit nga apektado rin ng pandemya ang kanyang negosyo, hindi ito naging hadlang para sa kanya na tumulong sa kapwa niya Filipino na labis-labis na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …