HALOS hindi na natutulog at kulang sa pahinga ang CEO/President ng CN Halimuyak Pilipinas na si Miss Nilda Tuazon sa paggawa ng iba’t ibang produkto tulad ng alcohol, disinfectant, sanitizer, foot bath disinfectant solution atbp.. na malaking tulong ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.
Ito ang paraan ni Ms. Nilda para makatulong na maproteksiyonan ang bawat Filipino na ma-infect ng Corona Virus, sa simpleng paggamit ng nasabing mga produkto.
Bukod nga sa pagdo-donate nito ng CN Halimuyak Pilipinas products lalong-lalo ng alcohol at sanitizer sa ating mga frontliner sa buong Pilipinas, ibinabahagi rin nito sa ilan sa mga kababayan nating naghihirap dahil sa Covid-19 ang ilang porsiyento ng kita ng CN Halimuyak Pilipinas products.
Dagdag pa ni Ma’am Nilda, mas marami pa sanang tumangkilik sa produkto ng CN Halimuyak Pilipinas para mas marami pang Filipino ang matutulungan niya.
MATABIL
ni John Fontanilla