Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arkin del Rosario, bibida sa Boyband Love

SOBRANG na-challenge si Arkin del Rosario sa role na ginagampanan sa pinagbibidahang BL series, ang Boyband Love kasama si Gus Villa.

Bale 2nd BL series na ito ni Arkin na dating miyembro ng sikat na Ppop Boy Group na XLR8 at parte ng 2019 Star Magic Circle. Si Gus naman ay isang singer/model na nakasama rin niya sa OH! My Sensual, isang black comedy BL series.

Gagampanan ni Arkin ang role bilang si Aiden na miyembro ng sikat na boyband kasama sina Gus bilang sina Danny at ang modelong sina Job Piamonte as Jamie at Louie Gabarda as Rico.

Sa istorya’y ipakikita ang hindi pagkakaunawaan nina Aiden at Danny pero later on ay made-develop hanggang sa mai-in love.

Hindi na baguhan sa showbiz si Arkin dahil naging mainstay din  ito ng defunct midnight variety show na Walang Tulugan with the Mastershowman at naging regular performer sa Party Pilipinas at nakasama sa teen show ng Kapuso Network na Teen Gen (TGIS Remake) gayundin sa GMA Teleserye na Pyra: Ang Babaeng Apoy at sa mga pelikulang Felix Manalo, Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at Pagari.

 

Sa Pagari napansin ang galing ni Arkin kaya naman na-nominate siya bilang New Movie Actor of the Year sa 30th PMPC Star Awards for Movies.

Makakasama ni Arkin sa Boyband Love sina Ms Q&A Brenda Mage bilang si Madam Curacha, ang manager ng LMTLSS; Luise Gragera; at Regine Fernando.

Ang Boyband Love ay mula sa panulat ni Lawrence Nicodemus at  idinirehe ni Greg Colasito, hatid ng Starcast Entertainment Philippines. Mapapanood ito sa Youtube channel ng Starcast Entertainment sa September 8, 2020.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …