ANG safety ng kanyang pamily ang inaalala ni Alden Richards kaya naman everytime na may work siya sa labas like Eat Bulaga, photo shoots o commercial shoot, two weeks siyang ‘di umuuwi sa kanilang bahay.
Ani Alden, ilang beses din siyang nagra-rapid test para tiyaking negative siya sa Covid-19 lalo’t iba’t ibang tao ang nakakasalamuha niya.
Hindi rin pinababayaan ni Alden ang mga tauhan niya sa Conchas Restaurant kahit mahina ito ngayon dahil sa pandemya. Binibigyan niya ang mga ito ng libreng bigas at dagdag gastusin para sa kani-kanilang pamilya.
Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang pagseselebra ng ika-10 taon sa showbiz ni Alden. Inaayos nila ang magiging laman ng concert kapag normal na muli ang takbo ng bansa at ng showbusiness.
MATABIL
ni John Fontanilla