PARA maiwasan ang depression, gumagawa ng mga awitin ang singer/composer Gari Escobar.
Magandang paraan nga ito para malibang at makalikha ng magagandang awitin na base mismo sa kanyang personal na karanasan.
Last yesr ay naglabas ito ng kanyang album na ipinamahagi ng Ivory Music na naglalaman ng 12 songs. Ito ay ang Baguio, Dito Sa Piling Ko, Tama Na, Habang Nandito Pa Ako, From Friends to Lovers, Hanap Ko Pa Rin, Ayoko na Sayo, Ayaw Kong Makita Ka, “Hindi Ka Na Muling Mag-iisa, Isang Halik Pa, Masisisi Mo Ba, at ang Lumaban Ka.
At ngayong marami na siyang komposisyong nagawa, handa na siyang ipakanta ito sa mga kapwa niya singer tulad nina Nora Aunor na kanyang paborito, Sarah Geronimo, Angeline Quinto atbp..
Bukod sa pagiging singer at composer ni Gari, ay isa rin itong licensed real estate broker na noong 1990 ay isa sa top brokers sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Ngayon ay may matagumpay siyang online business, ang 4Life , na nagma-market ng mga produktong para sa immune system. Ang 4Life day ay member ng DSAP (Direct Selling Association of the Philippines).
May regular FB Live si Gari tuwing 8:30 a.m. para sa mga positibong bagay na kanyang ibinabahagi at pagbibigay ng oportunidad para sa bawat Filipinong nanonood sa kanya.
MATABIL
ni John Fontanilla