Thursday , December 26 2024

Babaeng HR activist pinaslang Bacolod City (Echanis inilibing na)

ISANG babaeng human rights activist na nakabase sa Bacolod, ang pinaslang nitong Lunes ng gabi, ilang oras matapos ihimlay sa kanyang huling hantungan sa Metro Manila ang pinaslang din na NDF peace consultant na si Randall “Randy” Echanis.

Si Zara Alvarez, 39 anyos, ng Negros Island Health Integrated Program at dating political prisoner ay pinaslang sa Eroreco Village, Barangay Mandalaga, Bacolod City dakong 8:00 pm nitong Lunes, 17 Agosto.

Ang biktima ay sinabing isa sa madalas bansagang ‘pulahang aktibista’ sa Negros Island.

Noong 2018, ang kanyang pangalan at retrato ay kasama sa mga poster na ipinapaskil sa mga kalye sa Negros bilang isa sa umano’y ranking officials ng Communist Party of Philippines (CPP).

Si Alvarez ay naaresto noong 2012 at nakalaya sa pamamagitan ng piyansa noong 2014. Ibinasura ng korte ang mga kasong inahain laban sa kanya.

Kinompirma ni Julius Dagatan, media liaison ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Negros, na ang pinaslang ay si Zara Alvarez.

Sa pahayag ng Karapatan, sinabi nilang sila ay labis na nalulungkot at nagagalit sa pamamaslang kay Alvarez.

“Ngayong araw, inihimlay namin sa kanyang huling hantungan si Ka Randy Echanis, isa sa mga tumulong upang itatag ang Karapatan at masugid na nagsusulong ng kapayapaan at tagapagtanggol ng karapatan sa lupa. Ngayong gabi, isa na namang malungkot na balita ang aming natanggap, ang aming dating campaign and education director at paralegal sa Negros na si Zara Alvarez ay pinaslang  sa Bacolod City,” pahayag ng grupo.

Nakulong si Alvarez sa loob ng halos dalawang taon. Nang siya ay lumaya, ipinagpatuloy niya ang kanyang trabaho sa Karapatan bilang paralegal, research at advocacy officer ng Negros Island Health Integrated Program, ayon sa grupo.

Isa umano si Alvarez sa 600 katao na nais ng Department of Justice (DOJ) na ideklarang terorista batay sa proscription case na inihain noong Pebrero 2018.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *