Thursday , December 26 2024

‘Power firm’ lalong nadiin sa isyu ng BMW (Sa paliwanag ng sariling abogado)

LALONG nagbukas ng mas maraming tanong ang tangkang pagdepensa ng Panay Electric Company (PECO) sa kinuku­westiyong pagbili ng kompanya ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure (CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang Pangulo nang mawalan na ng prankisa.

Una nang lumabas sa mga pahayagan ang nadiskubreng pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula sa Asian Carmaker Corporation na nag­kakahalaga ng P5 milyon, ang nasabing sasakyan ay binili gamit ang pera na inaprobahan ng ERC para sa pagbili ng transportation equipment sa ilalim ng CAPEX ng PECO para sa taong 2011 hanggang 2015 kaya nangangahulugan na mula ito sa consumers’ money.

Hindi itinanggi ng PECO ang pagbili ng BMW ngunit inilinaw ng abogado ng PECO na sina Atty. Nilo Divina at Atty. Estrella Elamparo mula sa Divina Law Firm na hindi consumers’ money ang ipinambili ng sasakyan kundi binili ito sa ilalim ng administrative expenses ng kompanya.

“The records will clearly show that said purchase was an administrative expense that was charged to PECO’s own account. Contrary to the false claims being peddled to media outlets, the said expense never became part of any of the amounts billed to consumers, as is PECO’s practice with its administrative expenditures. Therefore, it is an utter and malicious lie that the consumers were made to pay even a single centavo,” nakasaad sa paliwanag ng Divina Law Firm.

Gayonpaman, kinontra ito ng mismong grupong nagsiwalat ng anomalya sa pagbili ng luxury car, sinabi ni Halley Alcarde, general manager ng Western Visayas Transport Cooperative, isang accountant, ang lahat ng administrative expense ay sinisingil din sa consumers, ang alibi umano ng PECO ay mali dahil ang pagbili ng luxury car ay hindi maaaring ipasok bilang administrative expense.

Kung ipipilit umano ng kampo ng PECO na administrative expenses ang ipinambili ng luxury car, ang external auditor ng kompanya ang mabubuweltahan ng kaso at maaaring mabawian ng lisensiya kung pinayagan nitong ipasok bilang administrative expenses ang pagbili ng luxury car.

“PECO is creating more problems here, if this is so, then the financial statement submitted by PECO is no longer reliable because a capital expenditure should not be part of administrative expense,” giit nito.

Ang WVTC at ang Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) ang unang nagsiwalat na sa kanilang pagberipika sa Land Transportation Office (LTO) ay lumilitaw na ang kinukuwestiyong BMW ay naibenta noong May 22, 2019 kay PECO President Luis Miguel Cacho.

“They have to justify to the people, they have to prove that they have not wasted consumers’ money here or else they have to answer for it, because if true, it is a clear case of a deceitful transaction which involves the money of the electric consumers,” nauna nang pahayag ni Alcarde.

Nabatid na para sa taong 2011 ay P2,133,851 ang alokasyon para sa transportation equipment ng PECO; noong 2012 ay P2,231,446; 2013 ay nasa P2,337,988; 2014 ay P2,447,289; at 2015 ay nasa P2,560,476.

Layon ng inapro­bahang pondo na bumili ng utility vehicles na magagamit sa operasyon nito ngunit lumitaw, imbes mga sasakyan na magagamit sa official function ng kompanya, kalahati ng pondo ay ipinambili ng luxuy car.

Ang Capital Expenditure ng mga power firms ay isinusumite at pina­aaprobahan sa ERC.

Layon ng nasabing hakbang na matiyak ang mga economically efficient capital expenditure lamang ang mapopon­dohan para masigurong mapo­protektahan ang public interest.

Tinuran ng WVTC na malinaw ang pagbili ng BMW ng PECO, lalo sa personal na gamit, ay hindi maikokonsidera bilang economically efficient bagkus ay maituturing na pag-abauso sa consumers’ money.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *