Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga, magnininong kapag ikinasal sina Vice Ganda at Ion

MATAPOS na batiin ni Vice Ganda si Aga Muhlach dahil sa kanyang birthday noong isang araw, at saka niya sinabi na may kinalaman pala iyon sa kanyang naging relasyon ngayon sa kanyang boyfriend na si Ion Perez. Guest si Aga sa kanyang show noon dahil sa promo ng isang pelikula. Kasabay din namang guest sa audience ang mga nanalo sa isang male personality contest.

Mukhang nahalata ni Aga na panay ang tingin ni Vice sa isa sa mga iyon, kaya hinila niya at ipinakilala kay Vice mismo. Biruan lang naman ang lahat ng iyon. Pero makalipas ang ilang taon, sumali na naman iyong si Ion sa contest, at nagkita silang muli ni Vice. Roon ipinaalala ni Ion kay Vice na nagkakilala na sila dahil siya ang ipinakilala sa kanya ni Aga sa kanyang show noon.

Dahil doon, sinasabi ngayon ni Vice na kung dumating ang panahon na magpasya silang “magpakasal” ni Ion, kukunin nilang ninong si Aga.

Pero iyang kasal ng dalawang lalaki, rito sa ating bansa ay parang seremonya lang. Kung sabihin nga ng mga istambay “moro-moro” lang. Hindi naman kasi kinikilalang legal ang kasal ng dalawang lalaki sa Pilipinas. Bagama’t may nagsusulong niyan noong araw, maging ang Korte Suprema ay hindi kinatigan iyan. Palagay namin malabo pa iyan sa atin, dahil napakalakas pa ng impluwensiya ng simbahan sa ating bansa.

Mayroon din mga bansa na noong una ay pumayag na legal ang same sex marriage, pero pagkatapos ay binawi rin naman nila iyon. Kaya parang malabo pa ring ninong ni Vice si Aga.

Dapat din naman siguro, maghintay pa ng mahabang panahon si Vice. Hindi naman iyang si Ion ang una niyang nakarelasyon, at alam niya ang nangyari sa lahat ng mga nauna. Siguro kailangang pag-aralan muna nilang mabuti ni Ion ang lahat bago magdesisyong magpakasal.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …