NAGHAHANAP ng 10 medical technologists ang lungsod ng Maynila para sa laboratoryo ng Sta. Ana Hospital kaugnay ng pagsisikap na makontrol ang krisis sa kalusugan dulot ng pandemyang CoVid-19.
Base sa anunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nangangailangan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga medical technologist na itatalaga sa laboratoryo ng polymerase chain reaction (PCR) machine.
Ibinida ni Mayor Isko na tatanggap ng P30,000 ang mga nabanggit na medical personnel kada buwan.
Nabatid na kailangan lamang magsumite ng letter of intent at personal dara sheet, ang mga nais magserbisyo at intresado.
Ang pagkuha ng med techs ng siyudad ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19.
Samantala, matapos ipasara ng 10 araw, bukas na muli ang Ospital ng Maynila at mayroon na itong 82 bed capacity para sa CoVid-19 na nakalaan sa mga residente ng Maynila.
(BRIAN BILASANO)