Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nick Vera Perez, gustong maka-duet at makasama si Martin

HINDI pa rin nawawala ang pagnanais na maka-duet at makasama sa isang konsiyerto ni  Nick Vera-Perez si Martin Nievera na kanyang iniidolo.

Ang husay sa pagkanta ang pagpe-perform sa entablado ang labis-labis na hinahangaan ni Nick kay Martin, kaya naman sa mga susunod niyang konsiyerto sa bansa after ng Covid-19 pandemic kukunin niya si Martin.

“Sana makasama ko siya at maka-duet sa concert.”

Sobrang mahal na mahal ni Nick ang musika at naniniwala ito na kapag determinado ang isang tao sa pag-abot ng mga pangarap, ibibigay talaga ito ng Diyos.

Wala rin sa edad o katayuan ng isang tao para makamit ang inaasan na tagumpay.  “Music and arts do not really have age limits and boundaries. I don’t conform to any rules. I do my own thing and stand by them.”

Taong 2017 nang nag-produce ng album si Nick, ang I Am Ready na ipinamamahagi ng Warner Music Philippines, na ang kanyang carrier single na I Am Ready ay nag no. 2 sa 95.5 FM radio PINAS (Philippines).

Nakakuha rin si Nick sa kanyang album ng nominasyon bilang Best New Male Recording Artist 2018 sa PMPC (Philippine Movie Press Club) Star awards for Music at naging recipient ng Gawad Filipino Awards as Breakthrough International Host and Performer 2017.

At ngayong taon, dalawang album ang ginagawa ni Nick, ang NVP 1.0: 1’s More the second album at ang Our Christmas, A Christmas Album  na alay niya sa lahat ng mga supporter at kababayang Pinoy.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …