DAHIL maliwanag na ang operasyon ng ABS-CBN sa ngayon na sa internet na lang, at sa internet naman ay napakababa ng advertising rates na maaari nilang masingil, medyo sakal maging ang suweldo ng mga naiwan nilang empleado at talent. Kaya naman bukas sa isip nilang maaaring umalis ang mga iyon at lumipat kung may mas magandang offer.
Iyong mga artista, hayagan na ang lipatan. Iyong mga anchor person nila sa radyo, marami ring usapan ng lipatan. Nabalitang lilipat sa dzRH sina Anthony Taberna at Gerry Baja, kahit na inalok din sila ng Eagle Broadcasting na pag-aari ng Iglesia ni Cristo na kanila ring kinabibilangan. May sinasabi ring maging sina Kabayang Noli de Castro at Ted Failon ay lilipat sa dzRH. Si Vic de Leon Lima naman ay mukhang tatalon sa dzBB.
Kung mangyayari nga ang lipatan, tiyak na may madi-displace namang mga talent sa kanilang lilipatan, ano naman ang mangyayari sa mga displaced workers na iyon?
HATAWAN
ni Ed de Leon