DAHIL hindi pa rin normal ang takbo ng showbiz dahil sa Covid-19, pansamantalang nahinto ang mga proyektong ginagawa ni Phoebe Walker.
‘Di nga maiwasang malungkot ng Viva artist dahil pansamantalang nausog ang shooting at taping ng kanyang mga proyekto.
“Nakakalungkot kasi ‘yung film na ginagawa ko at international series ay parehong nausog ang shooting at taping.
“’Yung pelikula namin ‘di makapag-shooting sa Baguio dahil bawal, tapos ‘yung series sa November na itutuloy.”
At dahil sa pandemic, na-realize ni Phoebe na hindi dapat umasa lang 100% sa pag-aartista, kailangan ding mag-isip ng ibang pagkakakitaan katulad ng pagnenegosyo.
“Need ng extra pagkakakitaan ngayong pandemic kasi na-realize ko na ‘di pwedeng sumalalay 100% sa acting for times na walang project, kahit hindi ngayong pandemya.
“Gusto ko mag-food business kasi ‘di mawawala ang demand sa food ng mga tao.”
At ang pagkahilig nito sa Chili Garlic ang naisip niyang inegosyo.
“Mahilig ako sa chili garlic kaya nag-experiment ako para sa bahay, pwede pangbenta, so in 1 week nag-start ako magbenta po at okey naman ang result.”
Bukod sa pagnenegosyo, susubukan din nitong mag-vlog.
“Bukod nga sa small business ko baka mag-venture rin ako into vlogging na. Pinaplano ko na po ang magiging content if ever,” pagtatapos ni Phoebe sa aming panayam.
MATABIL
ni John Fontanilla