Friday , November 15 2024

QCPD back to back awards: Most Outstanding na, The Best District pa

HINDI pa man naaalikabukan sa estante ng Quezon City Police District (QCPD)  ang katatanggap na plaque nitong 3 Agosto 2020 bilang NCRPO’s Most Outstanding Police District of the Year for Police Community Relations (PCR), heto umarangkada na naman ang QCPD.

 

Muli kasing umakyat sa entabaldo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang tahimik, mapagpakumbaba at magaling ang pamumuno na District Director ng QCPD, si P/BGen. Ronnie S. Montejo para tanggapin ang bagong parangal para sa pulisya nitong 6 Agosto 2020.

 

Akalain ninyo, apat na araw pa lamang kay Montejo ang plaque ng Most Outstanding PCR, hayun pinarangalan na naman ang QCPD – ang pinakahihintay at pinakaasam-asam na award ng limang distrito sa NCR, ang Best Police District of the Year para sa Police Service.

 

Tulad ng nabanggit, hindi pa man naaalibukan ang katatanggap na plaque at pinaplano pa lamang kung paano ipagdiriwang ng QCPD ang unang parangal dahil nga bawal ang mass gathering, heto muling kinilala ang pulisya. Double celebration na ito Gen. Montejo, iyon nga lang nasa ilalim ng “quarantine” ang bansa at mas may mga prayoridad na paggagamitan ng budget.

Hayaan mo Gen. Montejo, saka na lang iyang selebrasyon, sa halip purihin at pasalamatan natin ang Panginoon sa parangal na ipinagkaloob sa inyong pulisya.

 

Nitong 6 Agosto 2020 muling umakyat sa entablado ng NCRPO na nakangiti kahit naka-face mask si Montejo para tanggapin ang plaque para sa “The Best Police District Police Service para sa taong 2020.”

 

Iginawad ang parangal sa selebrasyon ng 119th Police Service Anniversary Celebration sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City.

…and wait coz’ there’s more, walo pang parangal ang nakuha ng pulisya.

 

Sa okasyon, mismong si Chief Philippine National Police (PNP), Gen. Archie Francisco Gamboa, at  NCRPO Director MGen. Debold Sinas ang nagbigay ng parangal.

 

Narito ang nakuhang unit awards: Best Unit for Accomplishment in Project Double Barrel (Police District Level), Kamuning Police Station (PS 10) as Best Unit for Accomplishment in Project Double Barrel (Numbered Police Station Level) and as Best Numbered Police Station, Recognition for the Unit with the Most Number of Firearms Confiscated (Police District Level), Payatas PCP of Batasan Police Station (PS 6) as Best Police Community Precinct.

Habang para sa individual awards naman: P/Lt Col. Teresita V. Escamillan bilang Best Junior Police Commissioned Officer for Administration, P/Cpl. Mark Anthony Rigor bilang Best Junior Police Non-Commissioned Officer for Administration, at NUP Willy Meneses Santos for Best Non-Uniformed Personnel (Supervisory Level).

Kagaling naman talaga ng QCPD, walang kakupas-kupas…paano kasi, magagaling ang mga nauupong District Director dine – heto si Montejo, tahimik lang pero kagaling na opisyal. Akalain mo, back to back award ang kanyang naiuwi para sa QCPD. Siyempre, anang opisyal hindi makukuha ang parangal kung hindi sa magagaling niyang  mga pulis na bumubuo sa QCPD.

O ano Gen. Montejo, hanggang ganoon na lang ba? Papansit ka naman diyan!

Congratulations Gen. Montejo, at sa bumubuo ng QCPD.

Ang gagaling ninyo!

Heto naman ang ‘ika ni Hen. Montejo… “we share these awards and accolades to the people of Quezon City whom we continue to serve and protect. May these awards also continue to remind and inspire us in doing always our job to the highest level of performance.

Proud to be QCPD! Dapat lang!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *