Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Sibakin ang media handler ni Sen. Villar

PANAHON na siguro para sibakin ni Sen. Cynthia Villar ang kanyang mga media handler. Parang walang matinong payo na ginagawa ang mga nakapalibot kay Villar kaya madalas at paulit-ulit na mali ang mga binibitiwang salita nito sa publiko.

Baka naman wala talagang ginagawang advise ang mga media handler at hinahayaan na lamang nilang sumabak si Villar sa media interviews kaya ang nangyayari ay madalas na magkamali ang kanilang amo.

Kung tutuusin, marami na talagang kapalpakan itong si Villar, at kung titingnan ang mga salita niya, masasabing mukhang totoong galing nga ang mga pahayag sa isang matapobre at bilyonaryang senador.

Nakagagalit ang mga naging pahayag nitong si Villar at tulad kong lumaki sa squatters area at kapos sa kabuhayan, tahasang masasabi ko na mapangmenos at mapanglait ang kanyang mga sinasabi.

Marami nang pinapakawalang mga palpak na pahayag ang senadora, at siguro dapat nating isa-isahin para maalala at makita ng kanyang media handler kung papaano nila isinalang at pinabayaan ang kanilang amo sa isang malaking talyasi na puno ng kumukulong tubig.

At sino ba naman ang makalilimot sa panawagan ni Villar na ipatigil ang ‘unli-rice’? Ito na nga lang ang pagkakataon ng mga nagugutom na mahihirap na makarami ng kanin pero kinontra pa ito ng bilyonaryang senadora.

Pati ang mga nurses ay pinagbalingan din ni Villar.  Kung matatandaan, sinabi rin niyang hindi nila kailangan magtapos ng BSN kasi nga naman daw ang mga nurse sa ibang bansa ay gusto lang maging ‘room nurse’ para mag-alaga.

Kabilang din ang mga middle class workers na pinagdiskitahan ni Villar sa pagsasabing hindi na dapat binibigyan ng ayuda dahil meron naman silang mga trabaho at merong tinatanggap na suweldo.

At kamakailan naman, hindi rin nakawala sa talim ng dila ni Villar ang mga frontliners. Matapos na manawagang ibalik ang ECQ, pinagsabihan ng senadora ang mga frontliners na pag-igihan na lang ang kanilang mga trabaho.

Pero kung titingnan mabuti, hindi naman ito mangyayari kung nagtatrabaho at inaalalayan si Villar ng kanyang mga media handlers.  Bago sumalang si Villar sa media, hindi ba dapat meron siyang briefing at ipinaaalam sa senadora kung ano ang dapat at hindi dapat niyang sabihin?

Mukhang natutulog sa pansitan ang mga media adviser ni Villar sa Senado, at sa tingin ko sayang ang malaking suweldong ibinigay sa kanila kung hindi rin lang naman nagagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Nakakaawa na talaga si Villar dahil sa paulit-ulit na lang na ‘nakakanal’ ang senadora at hindi naman ito mangyayari kung may maayos na gabay na ginawa ang mga taong nakapalibot sa kanya.

Teka nga, sino ba ang MRO ni Villar?

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *