Thursday , April 10 2025

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid ng entertainment sa bansa.

 

Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes at nangakong patuloy na maghahandog ang ABS-CBN ng world-class entertainment sa kabila ng mga pinagdaraanan ng network.

  

“Despite the heartbreak, we promise to continue delivering our content on other platforms and to as many people as possible. From broadcast to livestreaming, this is a new journey and a first for ABS-CBN to make a digital pivot with Kapamilya Online Live, the newest home of our well-loved Kapamilya shows that Filipinos miss. Our bond with our Kapamilya will never be broken,” sabi ni Vidanes.

 

Nagkaroon ang advertisers ng pagkakataong makausap ang iba’t ibang Kapamilya stars at makita nang live sa It’s Showtime sa virtual trade event ng Kapamilya Online Live.

 

Opisyal ding inanunsiyo ang mga palabas na mapapanood sa livestream araw-araw at ang mga bagong programang handog nito, gaya ng Ang Sa Iyo Ay Akin na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado, at Maricel Soriano. Ito ang unang orihinal na digital show na ipalalabas nang buo sa Kapamilya Onlive Live simula Agosto 17.

 

Bukod sa bagong programa, mapapanood din ang FPJ’s Ang ProbinsyanoA Soldier’s HeartLove Thy WomanMagandang BuhayIt’s ShowtimeASAP Natin ‘ToIba ‘Yan kasama si Angel Locsin, at Paano Kita Mapasasalamatan kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo.

 

Dumalo rin sa virtual trade event sina Judy Ann, Richard, Kim ChiuXian Lim, Yam Concepcion, Gerald Anderson, Carlo Aquino, Yassi Pressman, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Vice Ganda. Naghandog din ng performances ang It’s Showtime hosts, pati na rin ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

 

Naging mainit naman ang pagtanggap sa official launch noong Agosto 1 sa social media, na marami ang pumuri sa hakbang ng ABS-CBN na i-livestream ang mga programa nito online para patuloy na makapaghatid ng saya, ginhawa, at inspirasyon sa mga Filipino.

 

Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng palabas, ibinahagi rin na magbabalik sa Kapamilya Online Live ang mga minahal na serye gaya ng Forevermore, Halik, Magpahanggang Wakas, Pangako Sa’Yo,  Be Careful With My Heart, The General’s Daughter, Los Bastardos, Precious Hearts Romances, 100 Days To Heaven, Los Bastardos, at game shows na Pilipinas, GKNB? At Celebrity Playtime.

 

Bukod sa libre at walang subscription fee na kailangang bayaran, mae-enjoy din ang panonood sa Kapamilya Online Live dahil maaaring balikan mga programang ipinalabas sa buong araw sa loob ng 24 oras matapos itong ipalabas nang live. Eksklusibo namang mapapanood ang parehong livestreaming ng Kapamilya Onlive Live sa Facebook at YouTube sa Pilipinas.

 

Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood simula 7:40 a.m. hanggang 10:00 p.m… Sa Facebook, may regular na timeslot ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

 

Tumuloy na sa bagong tahanan ng ABS-CBN shows na Kapamilya Online Live at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.

About Hataw Showbiz

Check Also

Marianne Bermundo Kathryn Bernardo

Marianne inspirasyon si Kathryn sa pagpasok sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga mapipigilan ang pagpasok sa showbiz ng Beauty Queen na si Marianne …

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Kathryn Bernardo Nadine Lustre

KathDine project tiyak ang pagpatok

MATABILni John Fontanilla BAGYO ang dating sa social media  ng pagsasama sa iisang frame ng …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *