HINDI sang-ayon si Alden Richards sa ginagawang pambabastos sa katulad niyang artista na nagsusulong ng kani-kanilang adbokasiya.
Sa interview nito kamakailan, binanggit niya ang kahalagahan ng mga personalidad sa, “responsible distribution of information” lalo na ngayong may Covid-19 pandemic.
Ayon kay Alden, “Siyempre, celebrities tayo, mayroon tayong following, mayroon tayong mga supporter.
“Ang nakatutuwa kasi kapag may mga supporter ang isang celebrity like me, ‘yung mga supporter ko kapag I shared a good campaign with good intentions, naka-follow sila, eh.
“Kumbaga network ‘yan, eh Parang it starts from you, goes down to your followers, the loved ones of your followers, etc. etc.”
Dagdag pa nito, “’Yung influence talaga napakaimportante ngayon. Especially nga now na madali ang access sa social media. Lahat may smart phone na, lahat nagkakaroon na ng access sa internet.
“Us being public figures or celebrities, we have the obligation to be responsible for the distribution of true information to the public. ‘Yun ‘yung nagagawa namin as public figures.
“Kasi tingin ng iba, I’m not generalizing everyone, but siguro may iba na kapag nagpa-participate ang isang celebrity sa isang campaign against a global issue like now it’s Covid-19, parang hindi kasi essential and I totally disagree to that.
“Every public personality is essential for the distribution of truthful information to the public and the public deserves true information.
“Parang doon sila nagre-rely, eh doon nagre-rely ang public sa mga information na nakukuha nila. Kung paano sila mabubuhay everyday. They don’t deserve fake news.
“Kami ang pwede naming maibigay is true information and presence and influence namin to raise awareness about certain issues na nangyayari sa paligid natin,” giit pa ni Alden.
MATABIL
ni John Fontanilla