Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Appointment nina Guillen at Lizaso sa MMFF, karapat-dapat

KUNG may magsasabing mali ang ginawang paglalagay ni Chairman Danny Lim sa mga bagong member ng execom ng Metro Manila Film Festival, babatukan talaga namin.

Isa sa itinalaga ni Chairman Lim ang premyadong aktres at director na si Laurice Guillen. Bukod sa pagiging isang aktres at director, siya rin ang presidente at nagpapatakbo ng CineMalaya na siyang pinakamalaki at matagumpay na indie film festival. Si Laurice ay nagsimula rin sa lehitimong stage, sa PETA bilang isang aktres at director.

Ngayon, hindi nga siguro masyadong kilala ng iba si Nick Lizaso dahil low profile naman iyang mamang iyan. Si Nick ay isa ring actor at director sa pelikula at legitimate stage. Bukod doon, si Nick ngayon ang presidente ng Cultural Center of the Philippines, at chairman ng National Commission on Culture and Arts, o NCCA.

May idaragdag pa kaming trivia riyan. Noong nag-alala ang mga lider ng industriya na baka mawala ang MMFF dahil sa biglang pag-alis ng lahat ng opisyal ng noon ay Metro Manila Commission, at mapalitan iyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang festival ay inilapit agad ng mga lider ng industriya sa noon ay OIC na si Joey Lina, bilang isa sa mga proyektong dapat na ipagpatuloy sa ilalim ng MMDA.

Ang mga nagsikap nang husto noon ay sina Manny Nuqui na presidente noon ng PMPPA, ang producer na si Simon Ongpin, at kasama nila si Nick. Madalas noon sila ang inaabot nang gumagawa ng mga plano tungkol sa festival, doon mismo sa opisina ni Nuqui sa Escolta. Iyong office na iyon ang naging tambayan namin noong MMFF 1986, dahil doon mo makukuha ang lahat ng opisyal na balita, pati na ang box office gross ng bawat pelikula. Sila rin ang nakaaalam kung sino ang nadaragdagan at nababawasan ng sinehan. Kaya iyang festival, alam din ni Nick ang hirap niyan.

Kaya ngayon sinasabi namin, puwede naming batukan kung sino man ang aangal sa appointment nina Laurice at Nick sa MMFF.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …