Monday , December 23 2024

Giyera ni PBG Nieves vs droga, kriminalidad, umarangkada na

HINDI nagkamali si PNP Chief, P/Gen. Archie Gamboa na ipagkatiwala ang pulisya ng  Cagayan Valley Region  kay P/Brig. Gen. Crizaldo G. Nieves bilang Police Regional Office (PRO 2) Director dahil ang opisyal ay hinog na hinog na sa pagkikipaggera laban sa iba’t ibang klase ng kriminalidad lalo sa sindikato ng ilegal na droga.

 

Katunayan, ilang araw pa lamang ang nakalilipas nang maupo siya bilang regional director nitong 11 Hulyo 2020 at magbaba ng direktiba laban sa droga bilang suporta sa kampanya ng PNP bunsod ng kautusan ni Pangulong Duterte, aba’y nanginig sa takot ang isang grupo ng sindikato ng droga na kumikilos sa Isabela.

 

Dahil sa mahigpit na pagpapatupad naman ni Isabela Police Provincial Office Director, P/Col. James M. Cipriano sa direktiba ni Nieves, halagang P5 milyon pinatuyong marijuana ang kanilang nadiskubre na may timbang na 42 kilo sa bayan ng Quezon, Isabela.

Natagpuan ang damo ng tropa ni Quezon Municipal Police Chief, P/Capt. Rouel Meña, sa Barangay Santos, Quezon. Nadiskubre ang droga sa pakikipagtulungan ng mamamayan ng Quezon.

 

Ganoon kasuportado ngayon ang mamamayan ng Isabela sa kampanya ng PRO2 lalo na kay Nieves laban sa droga. Kung susuriin, malaki ang tiwala ng mamamayan kay Nieves habang ang grupo ng sindikato ay nagdadalawang isip sa pagkilos sa Cagayan Valley.

 

Patunay diyan ang pag-iwan ng sindikato sa tabi ng kalsada sa kanilang dalawang sakong damo. Alam kasi nilang hindi makalulusot sa mga police checkpoint kaya malamang sa malamang ay inabandona na lamang ng sindikato ang kanilang P5 milyon halaga ng ‘damo.’

 

Congrats Gen. Nieves, Col. Cirpiano, Capt. Meña, maging sa mga tauhan ninyo…at siyempre, maging sa mga sibilyan na buo ang loob sa pagsuporta sa kampanya ng PRO2 laban sa ilegal na droga.

 

Kasama rin sa kampanya ang pag-aresto sa mga kriminal na ‘wanted’ sa batas. Ani Nieves, kailangang madakip at makulong sila para tuluyan nang makamit ng mga biktima ang tunay na katarungan.

 

Nitong 24 Hulyo 2020, sa pagpapatupad ng Oplan Manhunt Charlie, nadakip ng Isabela PPO ang kilalang No. 2 most wanted person sa buong Region 2.  Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Roxas Police Station; Regional Intelligence Unit (RIU) 2, at Isabela PPO Provincial Intelligence Unit (PIU) si Andrea Silapan ng Barangay Rang-ayan, Roxas, Isabela. Si Silapan ay may warrant of arrest at matagal nang pinaghahanap dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

 

Iyan ang sinasabi natin, sersoyo at sinsero si Nieves sa kanyang gera sa mga kiriminal.

 

Hindi lang naman ang top 2 most wanted ng Cagayan Valley ang nadakip kung hindi may 10 pang wanted ang nadakip na nahaharap sa kasong murder, homicide, rape at iba pa.

 

Sa kampanya sa droga, nadakip din sa magkahiwalay na anti-drug operation ng Cauayan at Roxas Police Stations  ang dalawang maituturing na High Value Individual na kabilang sa Directorate for Intelligence list. Sila ang responsable sa pagbebenta ng droga sa dalawang nabanggit na bayan.

 

Ang masaklap nito, ang nadakip sa Cauayan ay isang miyembro ng Sangguniang Kabataan.

 

Heto lang ba ang mga paunang trabaho ng PRO2 sa bagong pamumuno. Hindi po, kung hindi marami pa…sa kampanya nga rin sa ilegal na sugal, dalawang pulis ang dinakip sa Tuguegarao City. Huli on the act na nakikipaglaro ng mahjong ang dalawa. Nahaharap ang dalawa sa administrative case at criminal case sa Tuguegarao Prosecutor’s Office.

 

Iyan ang PRO 2 ngayon sa kamay ni Gen. Nieves, walang sinisino, lahat ng lumalabag sa basta ay pananagutin, pulis man sila o may katungkulan sa pamahalaan.

 

Marami pang paunang trabaho sa PRO 2, abangan.

 

Bagamat, Gen. Nieves sampu ng bumuo ng PRO2, saludo ang mga mamamayan ng Cagayan Valley sa inyo… at kayong mga criminal naman diyan, may katapat na kayo.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *