Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Nadine at Alden, tagilid

HUWAG nilang ikagalit dahil ito ang katotohanan. Sa panahong ito, hindi mo na masasabing ganoon pa rin kasikat si Nadine Lustre. Ilang buwan na rin siyang hindi nakikita sa pelikula at wala rin naman siyang show sa telebisyon. Iyong sinasabing serye na gagawin niya ay hindi natuloy, at lalo na ngang walang pag-asa ngayong nasara na ang ABS-CBN.

Wala namang makakukuha sa kanyang kompanya ng pelikula, dahil may problema pa siya sa Viva na sinasabing siya ay nakatali pa sa isang kontrata. Bukod doon bantulot din naman ang ibang producers dahil ang dalawang pelikula niyang magkasunod noong nakaraang taon, iyong Ulan at Indak ay parehong naging box office disasters.

Palagay namin, malabo rin naman iyong naririnig naming itatambal siya  umano kay Alden Richards. Noong itambal si Alden kay Kathryn Bernardo, gumawa sila ng box office history. Napakataas kasi ng popularidad noon ni Kathryn, na bago iyon ay nakagawa na rin naman ng isa pang napakalaking hit na katambal si Daniel Padilla. Isa pa, bukas pa noon ang ABS-CBN na nakapagbigay sa pelikula ng matinding promo back up.

Kung si Nadine ngayon ang makakatambal ni Alden, tagilid iyan. Sigurado hindi iyan aabot sa kinita ng pelikula niyang kasama si Kathryn. Una, may umiiral pang pandemic at hindi pa normal ang manood sa mga sinehan na sarado pa nga hanggang ngayon. Ikalawa, masyado ring identified hanggang sa ngayon si Nadine sa kanyang live-in partner na si James Reid. Ikatlo, wala silang masasandalang network na makapagbibigay sa kanila ng todong promo back up, at ikaapat bagsak nga sa ngayon ang popularidad ni Nadine.

Kung kami ang tatanungin, dapat magpahinga muna si Nadine, at irepackage para gumawa na ng mga matured role. Hindi mo na siya maibabalik sa mga dating roles na ginagawa niya.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …