Monday , December 23 2024

Sa pagbuhay ng lotto sa 4 Agosto good news ba?

MASASABI nga bang good news ang pagpapalaro ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa 4 Agosto 2020?

 

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang PCSO ay isa sa ahensiya ng pamahalaan na may malaking naiaambag sa pagtulong o medikal na pangangailangan ng mga kababayan natin na lumalapit sa ahensiya.

 

Bukod dito, batid din natin kung saan nanggagaling ang  milyon o bilyon na pondo ng PCSO. Kailangan ko pa bang banggitin kung saan nanggagaling ang limapak-limapak na pondo ng ahensiya? Sige, mula sa mga kababayan natin na tumatangkilik sa iba’t ibang klase ng mga pasugal ng PCSO.

 

Opo, mula sa mga taya ng mga manunugal ng PCSO pero legal naman na sugalan ito. Ngunit, huwag mag-alala dahil ang pagtaya sa lotto at kahit anong klase ng sugal ng PCSO ay bumabalik naman sa mga mananaya o publiko sa pamamagitan ng medical/hospital financial assistance.

 

Kung magkaganoon man, good news nga ang pagbabalik ng lotto o mga pasugal ng ahensiya kasi makalilikom na naman ang PCSO ng pondo. Batid naman natin kung paano rin tumulong ang PCSO ngayong panahon ng pandemya.

 

Sa nakatakdang pagbubukas ng PCSO, marahil may mga negatibong reaksiyon – may mga nagsasabing inuuna pa ang mga sugal o hirap na nga ang mga mamamayan ngayon, wala nang trabaho ay ‘kukunin’ pa ng ahensiya ang natitirang barya ng mamamayan o mananaya.

 

E, ang tanong paano kung manalo si Juan Dela Cruz? E, ‘di milyonaryo na siya. Sana nga ganoon kadaling manalo dahil alam naman natin na suntok sa buwan ang maka-jackpot sa lotto. Malay mo. Iyan ang madalas na nag-uudyok sa mga kababayan natin – ang “malay mo” para tumaya nang tumaya sa mga pasugalan ng gobyerno.

 

Ano pa man, hindi na mapipigilan ang muling pagbabalik ng lotto sa 4 Agosto – may lotto sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) na aprobado ni President Duterte.

 

Sa Lotto Circular No. 2020-004, ang PCSO ay tata­lima sa health protocal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) katulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

 

Ang mga paunang laro ng PCSO sa susunod na linggo (araw ng Martes) ay 6/42 at Megalotto 6/45 games kasunod sa dati nitong draw schedule.

 

Nahinto pansamantala ang lotto noong Marso 2020, mahigit tatlong buwan na ang nakararaan nang ilagay sa ECQ “lockdown” ang bansa dahil sa COVID-19.

 

Sa “ECQ” lotto, ibinalik sa P20.00 mula sa P25.00 ang bawat ticket ‘taya.’ Kung baga, kapag sinuwerte ang P20.00 ni Juan dela Cruz ay magiging milyones. Iyan ay kung manalo. Ang masaklap nga lang suntok sa buwan talaga ang manalo sa lotto kaya mas marami ang natatalo habang ang PCSO ang panalo. Iyon ba ang goods news?

 

Anyway, in fairness sa PCSO, napakarami nang natulungan ang ahensiya at kailangan nitong makalikom ng pondo para marami pang matulungan lalo sa panahon ngayon.

 

Pero mga suki lang ba ng lotto ang matutuwa sa pagbubukas nito sa 4 Agosto? Hindi, siyempre isa sa matutuwa rito ay mga gambling lord na nagpapatakbo ng lotteng, tulad ni Bong Zolas sa Rizal province.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *