Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Trabaho, koryente, tubig sa SONA ni Digong

NGAYONG araw, isasagawa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang ika-limang State of the Nation Address o SONA.

Ang SONA, base sa Konstitusyon, ay obligasyon ng isang Pangulo na taunang mag-ulat sa taongbayan hinggil sa kalagayan ng bansa at kasabay nito ang paghahayag ng mga planong gagawin ng pamahalaan sa darating na taon.

Iniaatas din ng Konstitusyon sa Pangulo ng Filipinas na ang SONA ay kinakailangang gawin tuwing ika-apat na Lunes ng Hulyo sa Plenary Session Hall ng Batasan Pambansa sa Batasan Hills, Quezon City.

Ang SONA ngayong araw ay pangalawa sa huli na gagawin ni Digong bago siya tuluyang bumaba sa puwesto sa 2022.

Inaasahan na ilalahad ni Digong ngayong araw ang mga naging tagumpay ng kanyang administrasyon sa apat na taon niyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa. Ang usapin sa korupsiyon ay tiyak na tatalakayin lalo na ang kampanya laban sa ilegal na droga.

Higit na kaabang-abang na usapin ang patuloy at malalang problemang dala ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ang nasabing pandemya na nagdulot ng kamatayan at kahirapan sa taongbayan ay isang malaking palaisapan kung paano ipapaliwanag ni Digong sa taongbayan.

Bukod sa usapin sa droga, korupsiyon at COVID-19, ang malalang problema sa koryente at tubig ay kailangan din bigyan ng solusyon ni Digong dahil sa  dagdag na pahirap sa publiko.

Higit na mapaglulubag ang loob ng mamamayan kung tatalakayin ng pangulo sa kanyang SONA ang isyu sa mataas na singil sa koryente at tubig, at ang palpak na serbisyo ng Meralco, Maynilad at Manila Water.

Kailangang gumawa ng aksiyon si Digong kung paano mapananagot ang mga may-ari  ng Meralco,  Maynilad, at Manila Water at makasiguro ang mamamayan na hindi sila pinababayaan ng kanilang pangulo.

Kung mabibigo si Digong na mapanagot ang mga may-ari ng Meralco, Maynilad, at Manila Water, maituturing na walang silbi ang gagawing pag-uulat sa bayan ni Digong.

At lalong hindi dapat kalimutan ni Digong sa kanyang SONA ang usapin sa malawakang unemployment o kawalang trabaho. Milyon-milyong mga empleyado o manggagawa ang halos walang makain dahil sa kawalan ng trabaho at kinakailangang matugunan ang problemang ito ng pangulo bago pa magkaroon ng kaguluhan sa Filipinas.

Nakatatakot na pangitain ang maaaring mangyari sa Filipinas kung magtutuloy-tuloy ang mga problemang ito at hindi kayang bigyang solusyon ng pamahalaan. Lumalakas ang mga pagtutol at sana lang kayanin pa ni Digong ang mga suliranin na kanyang sasalagin sa ngayon at sa hinaharap.

SIPAT
ni Mat Vicencio

 

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *