Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MMFF, hindi na dapat pakialaman pa!

IYANG Metro Manila Film Festival (MMFF), talagang iyan ay sa Metro Manila lamang. Huwag ninyong ambisyonin na iyan ay masasakop ang buong Pilipinas kaya dapat alisin na sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at ilipat sa iba. Kaya lang iyan inilalabas sa buong Pilipinas ay dahil mataas ang demand sa mga pelikulang palabas sa MMFF dahil sa commercial viability ng mga iyon. Ang mga pelikula ay gustong panoorin ng mga tao, kaya nga lalo na sa panahon ng Kapaskuhan, hinahabol iyan kahit ng mga sinehan sa labas ng Metro Manila, kaya nagmumukhang nationwide.

Pero nakita ninyo ang nangyari noong 2016, nang pakialaman nila ang mga pelikulang kasali. Bumagsak ang festival. Mas malaki ang kinita ng mga tradisyonal na pelikula, na pilit na sinisiraan ng mga gumagawa ng indie na ang palagay sa sarili ay mas magaling sila. Ang mga pelikula ng festival ay hindi ipinalabas sa ibang lugar, at sa halip ang mga tradisyonal na pelikulang kumikita ang kanilang ipinalabas. Eh kasi iyon ang gustong panoorin ng mga tao, hindi naman iyong mga pelikula nilang sila lang ang nakagugusto.

Basta ginawa mong buong bansa ang MMFF, inaagawan ninyo ng malaking kita ang mga LGUs (Local Government Units), na inaalisan ninyo ang karapatan sa kanilang amusement tax na dapat nilang magamit para sa kanilang mga bayan. Sa totoo lang, iyang amusement tax ay malaking bagay sa mga LGUs, kaya nga hindi ba nagprotesta rin sila sa tax rebate noon ng CEB  (Cinema Evaluation Board) dahil malaking kawalan iyon sa kanila na dapat sana ay nagagamit nila sa serbisyo ng bayan nila? Tapos magsasabi pang gagawing nationwide ang MMFF at pipiliting dalawang linggo ang 10 araw na festival? Eh paano kung hindi naman kumikita ang mga pelikula nila?

Kaya bagsak ang ibang mga festival, kasi pinipilit nila iyong klase ng pelikulang gusto nila. Hindi iyong kung ano ang gusto ng masa. Eh ‘di mag-festival sila kahit buong isang taon pa, pero bakit kailangang pakialaman pa iyong tumatakbo nang maayos na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …