Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reklamong idinulog ni Catriona sa NBI, ‘di kasingbilis nasolusyonan tulad ng kay Sharon

NOONG isang araw, nagpunta si Catriona Gray nang personal sa NBI para ireklamo at paimbestigahan ang nagkalat sa internet ng kanyang nakahubad na pictures, na sinasabi niyang fake naman. Hindi naman siguro natin masasabing mabagal ang NBI, dahil ilang araw pa lamang naman ang kanilang imbestigasyon. Kaya lang marami ang nagtatanong kung bakit hindi kasing bilis ng reklamo ni Sharon Cuneta.

Si Sharon, hindi pa naghaharap noon ang pormal na reklamo. Sa loob lamang ng maghapon, nakagpalabas ang NBI ng tunay na identity ng nag-post na nagbabanta umano ng rape sa anak ni Sharon kahit iyon ay nasa abroad. Mabilis din nilang sinabing iyon ay maaaring sampahan ng kaso at magagamit ang extradition treatise ng Pilipinas, para iyon at mapabalik sa Pilipinas at mapanagutan ang kanyang ginawa.

Sabi nga nila, dahil ba iyon sa kaibigan at matagal na naging abogado ni Sharon si DOJ Secretary Meynardo Guevarra? Hindi rin kaya dahil sa ang asawa ni Sharon ay isang senador?

Kailangan mapabilis din ng NBI ang pagtuklas kung sino ang nagkalat ng nude pic ni Catriona, at dapat alamin din nila kung magagamit ang extradition treaties ng Pilipinas kung ang nagkalat man niyon ay naninirahan na sa abroad, para mapauwi iyon at panagutan ang kasalanan niya sa Pilipinas.

Minsan hindi mo maiiwasan ang mga ganyang katanungan mula sa mga tao. Lalo na at ang mga involve ay mga personalidad na sinasabing “may malakas na kapit.” Napakarami kasing kaso na naiipon sa ating mga law enforcement agencies, na inaabot ng maraming taon at hindi nabibigyan ng solusyon. Pero may mga kaso ngang maghapon lang may resulta na.

Hintayin natin kung ano ang magiging handling ng NBI sa kaso ni Catriona.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …