WALA namang sinabing masama si Congressman Dan Fernandez. Ang sabi lang niya, kung ang mga manggagawa ng ABS-CBN na nawalan na ng trabaho sa ngayon ay makabubuo ng isang kooperatiba, at matulungan para mabili nila at mabayaran unti-unti ang kanilang naisarang network, malaking bagay iyon.
Una, hindi na mapuputol ang kanilang trabaho. Ikalawa tutubo pa sila. Ikatlo, dahil sa “change of ownership” maaaring humingi ng bagong franchise ang network, at sinabi nga ng mga congressmen na tutulong sila kung ganoon na ang sitwasyon. Naisip siguro ni Dan, win-win situation iyon.
HATAWAN
ni Ed de Leon