Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros, Eat Bulaga-bahay lang (Sa takot sa Covid-19)

DOBLE ingat ngayong balik-trabaho na si Paolo Ballesteros lalo’t pataas nang pataas ang bilang ng mga Pinoy na may Covid-19.

Kaya naman bukod sa Eat Bulaga na napapanood sila mula Monday to Saturday, wala na silang tinatanggap na trabaho ng kanyang manager.

Tsika ni Paolo nang matanong kung ano ang pinagkakaabalahan bukod sa Eat Bulaga“Naku waley haha, Bulaga lang para work at bahay lang. Iwas corona hehe.”

At kahit nga may mga pelikula na iniaalok sa kanya, hindi nia ito tinatanggap  dahil na rin sa Covid-19. “Hmmm mayroong inquiry pero ‘di pa rin ako pinayagan ng manager ko gumawa ng movie sa panahon na ito kasi nga nakatatakot din. Baka mga next year na.”

Ayaw din nitong maglalabas ng bahay at halos ilang buwan na rin siyang ‘di nakakapunta ng mall. Eat Bulaga at bahay lang ang kanyang everyday routine.

Pero pag-amin nito na lately ay nag-mall siya para bumili ng bagong damit na gagamitin sa Eat Bulaga“Once pa lang ako nag-mall at mabilisan lang sa isang shop lang kami nagpunta kc wala nako damet hehe naulit ulit na kaya namili lng damet tas kumaen tas uwe hehe.”

Mas mabuti na ang nag-iingat para ‘di madapuan ng sakit lalo na’t hindi pa nadidiskubre ang vaccine para sa Covid-19.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …